Lahat tayo'y tulad ni David, may katapat na Goliath. Higit na malakas at higit na malaki. Nakakatakot at nakakabigla ang kanyang taas, ang kanyang braso'y parang bato na kayang dumurog ng kalamnan at buto. Ang kawawang David, gamit lamang ay tirador at mga mumunting bato. Suot lamang ay katsa at upod na panyapak. Si David na maliit, hindi nagpasindak, kakampi ay Diyos na milya ang sukat sa higanteng si Goliath. Walang ginto o bakal na panakip sa manipis na dibdib. Nagpakatotoo sa kanyang kakayahan at sinugod ang kalaban. Tunay ngang kaytapang niya.
Sinong dapat nating katakutan? Si Goliath ba? o ang Diyos na ating sanggalang? Sinong makapananaig sa tapang na taglay kung kasama'y ang may lalang. Sa sariling kakakayahang tunay, sa mumunting bato na hawak, kayang kaya ang lahat, maging sinlaki man ni Goliath. Kahit Diyos lamang ang kakampi, walang makagagapi.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento