Huwebes, Oktubre 6, 2011

Panahon ng Hapon (2009)

Hindi ako nabuhay sa panahon ng mga hapon. Ngunit nabibigkas ko ito mula sa mga turo ng aklat sa paaralan. Mula sa bigkas ng mga guro at pantas. Siguro, ang takot noo'y higit pa sa katog ng tuhod, higit pa sa pawis ng kaba. Ang mga Pilipino siguro noon ay parang mga manok na di malaman kung saan tatakbo upang magtago. Ang takot siguro noon ay higit pa sa alingawngaw ng putok ng mga paltik at kanyon. Hindi ko alam, kaya pakiwari lamang ang aking nasa isip.
Dapat tayong magalak na nakakita at dinaranas ang liwanag ngayon na siya namang ipinakipaglaban ng ating mga bayani. Huwag natin itong sayangin, papurihan natin sila't bugyang pugay. Ngunit tunay nga bang wala na ang mga mapang-aping mga sundalong hapon? Tunay nga ba sa puso natin ang kalayaang tinatamasa? Isip-isipin, pagbulay-bulayan. Tunay nga ba na ang mga hapon ang naging mapang-api? O tayo rin laban sa kapwa Pilipino?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento