Lahat tayo'y tulad ni David, may katapat na Goliath. Higit na malakas at higit na malaki. Nakakatakot at nakakabigla ang kanyang taas, ang kanyang braso'y parang bato na kayang dumurog ng kalamnan at buto. Ang kawawang David, gamit lamang ay tirador at mga mumunting bato. Suot lamang ay katsa at upod na panyapak. Si David na maliit, hindi nagpasindak, kakampi ay Diyos na milya ang sukat sa higanteng si Goliath. Walang ginto o bakal na panakip sa manipis na dibdib. Nagpakatotoo sa kanyang kakayahan at sinugod ang kalaban. Tunay ngang kaytapang niya.
Sinong dapat nating katakutan? Si Goliath ba? o ang Diyos na ating sanggalang? Sinong makapananaig sa tapang na taglay kung kasama'y ang may lalang. Sa sariling kakakayahang tunay, sa mumunting bato na hawak, kayang kaya ang lahat, maging sinlaki man ni Goliath. Kahit Diyos lamang ang kakampi, walang makagagapi.
Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang uri ng sining na mula sa pinaka-ilalimang bahagi ng aking kaisipan at kaluluwa na nagpapakita ng kulay ng buhay ko bilang isang anak ng SINING.
Huwebes, Oktubre 13, 2011
Huwebes, Oktubre 6, 2011
Panahon ng Hapon (2009)
Hindi ako nabuhay sa panahon ng mga hapon. Ngunit nabibigkas ko ito mula sa mga turo ng aklat sa paaralan. Mula sa bigkas ng mga guro at pantas. Siguro, ang takot noo'y higit pa sa katog ng tuhod, higit pa sa pawis ng kaba. Ang mga Pilipino siguro noon ay parang mga manok na di malaman kung saan tatakbo upang magtago. Ang takot siguro noon ay higit pa sa alingawngaw ng putok ng mga paltik at kanyon. Hindi ko alam, kaya pakiwari lamang ang aking nasa isip.
Dapat tayong magalak na nakakita at dinaranas ang liwanag ngayon na siya namang ipinakipaglaban ng ating mga bayani. Huwag natin itong sayangin, papurihan natin sila't bugyang pugay. Ngunit tunay nga bang wala na ang mga mapang-aping mga sundalong hapon? Tunay nga ba sa puso natin ang kalayaang tinatamasa? Isip-isipin, pagbulay-bulayan. Tunay nga ba na ang mga hapon ang naging mapang-api? O tayo rin laban sa kapwa Pilipino?
Ang Ambahan ni Ambo ni Ed Maranan (2009)
Miyerkules, Oktubre 5, 2011
Martes, Oktubre 4, 2011
Kanlungan sa Duyan ni Ama't Ina (2011)
Hindi nawala sa 'king isipan ang higpit ng yakap ni Ina at tindig at lakas sa 'king paningin ni Ama. Laging bumabalik sa 'king panaginip ang mga panahon ng aking kabataan, ng aking kamusmusan, na aking kawalang-muwang sa mundong kinagisnan. Kung maaari lamang bumalik sa oras at panahon, babalikan kong pilit ang himbing ng aking tulog sa kanilang piling. Sa mga panahong ako'y walang kinatakutan dahil silang aking tanod at bantay. Mahal ko kayo.
Sagip sa Gitna Ng Sagabal Na Sigalot (2009)
Ang tunay na bayanihan ay hindi naituturo sa paaralan o nababasa sa aklat. Ito'y kalikasan sa kahit na sinong may lakas-loob na dumamay nang walang takot na magbigay-buhay upang magsagip-buhay ng iba.
"Lihim Kong Liham Para Sa Iyo Anak " (2011)
SHAUN,
Hindi na ako nabigla nang ika'y dumating. Dahil mula't sapul, ika'y dasal sa araw-araw. Kaya't nang ika'y ipahiram sa amin, isang kilo't kalahati ang kasiyahan sa puso namin ng iyong ina. Sandamukal na "gamit" agad ang inihanda ng nanay mo sa bawat sulok ng bahay. Palamuti sa dingding, alcohol para sa kamay, "domex" para sa sahig, at "air-freshener" para sa "air" at sa utot kong sobra sa bantot (para daw hindi mo malanghap). Kulang pa yan. Multi-vitamins para maging masigla at umabot kami sa 'yong 60th birthday. Sadyang ma-detalye ang "mommy" mo. Ako si "General", siya naman si "Unit Battalion", dahil bawat unit, mahalaga para sa kanya. Kaya asahan mong sa mga susunod na panahon, hindi ka mauubusan ng mapupuri sa 'yong ina.
Mahal ka sa 'min anak. Higit pa sa "cellphone" kong "robocop" na dahil hindi mo mabitawan at ginagawang martilyo. Higit pa sa bubong nating kinain ng anay na gutom na kahit yero, pinatos. Higit pa sa mga "remote-control car" na bigay pa sakin ni "mommy mo nung edad 25 palang kami. Higit pa sa mga polo kong amoy gatas na isinuka mo, higit pa sa anumang bagay, anak... mas mahalaga ka.
Ngayon ko lang aaminin, na nang minsan ika'y maysakit at nasa kalagitnaan ng tulog, nasa tabi mo ako. Tulad mo at higit pa sa'yo, malikot akong matulog. Nasiko ko ang bunbunan mo na siya mo namang ikinaiyak ng pagkalakas-lakas. Hindi ko sinabi sa "mommy" mong totoong dahilan, itinago ko sa kanya, marahil hanggang sa mga oras na'to. At ngayong alam mo na, maari na kitang tanungin kung may naging epekto bang siko ko sa buhay mo ngayon? May naging pagbabago ba? Kung merun man, sisihin mo ako. Dahil sa siko kong matulis. At ngayon alam mo na rin kung bakit ako nakalikod parati sa inyo sa pagtulog. Iniiwasan kong ma-karate ko kayo sa gitna ng pagtulog niyo. Intindihin mo ako anak sa labis kong pagmamahal sa inyo.
Masyadong maaga ang liham kong ito para 'yo. Pero nais ko lang ipaalam at iparmdam sa 'yo na mula pa man nang una, minahal na kita ng higit pa sa yakap at halik. Kukupas ang lakas ko at mauubos ang buhok ko hanggang kili-kili, ngunit ang pagmamahal ko sa iyo'y hindi magbabago. Hindi masasaklaw ng anumang salita ang nararamdaman ko sa inyo, aking pamilya. Binuo ko kayo sa tulong at kalooban ng Diyos sa dahilang hindi ko alam. Ngunit nalalaman kong ito'y kagustuhan ng taas, na ika'y ipahiram sa akin at ako naman sa iyo. Maligayang maligaya ako sa mga araw na tayo'y magkasama at magkatabi sa halakhak at pagtulog.
Ginawa ko ang liham na ito sa napaka-agang panahon upang hindi ako paglipasan ng ulirat at panahon...na baka sa mga sumunod na araw ay wala na ako at hindi ko na masabi ang lahat ng ito sa iyo. Hindi natin maaarok ang plano ng Diyos sa kung saan at kailan tayo kukunin. Kaya't pinaaga ko ang liham na lihim kong ito upang sa iyo'y masabi, na mahal na mahal kita. Nagmula ka sa Espirito at ginawang tao ng Diyos upng ipakita sa amin ang Kanyang katalinuhan at kabaitan. Lubos na mabait ang Diyos sa akin na ikaw ay ipahiram.

Sa bawat panahon na ika'y magluksa o umiyak, maari mong basahin ang liham kong ito upang mapa-alala kong tunay sa'yo na ako'y hindi mawawala at itinanim ko na sa iyong puso ang pangalan ko at ng iyong ina.
Lakip ng liham na ito ang aking mga tagubulin na sa 'yo ngayo'y ipapamana. Ang iyong pag-aaral ay pakabutihin,, yan lamang ang iyong magiging sandata laban sa mga "monster" sa labas ng ating bahay. Ang iyong ina'y iyong alagaan ng higit pa sa kanino man sapagkat hawak niya ang dangal ng ating pamilya. Ang iyong kapatid (na sa kaslukuyan ay 4 na buwan pa lang sa tiyan ng "mommy" mo), iyong subaybayan, sa lahat ng pagkakataon, siya'y iyong gabayan. Kayo'y iisa sa king paningin at sa 'ming laman, kayo'y nagmula. Maging mabuting tao, 'yan ang dahilan kung bakit kami pagapang na magtrabaho para sa inyong kinabukasan. Hindi mahalagang ika'y "topnotcher", o sing-talino ni Einstein o Ghandi, ang mahalaga'y maging mabuti sa LAHAT ng pagkakataon, sa mabuti man o masama, kamag-anak man o kaibigan, mataas man o mababa. Iyong pakatandaan na ang Diyos ay iyong tanggulan at Siya lamang ang iyong pagtiwalaan.
Huwag kang matakot, anak. Pakatibayan mong iyong puso at magpakatatag.Wala kaming ibang nais kundi ang mapaligaya ka sa buong oras at panahon ng iyong buhay.
Maligayang kaarawan, anak kong Shaun. Walang araw na ika'y hindi ko inisip.Walang oras na ika'y nawala sa puso ko. Ang kaluluwa ko'y sa Diyos at kayo'y aking handog na lubos sa Kanya! Papuri sa Diyos!

Happy birthday!
PAPA
Oct. 5, 2011 / 10:36AM
Wala pang muwang si EdJop
Mga Tupa ni ShaunLon
Ang SINING ay isang pagpapakita ng ekspresyon, maganda man sa paningin ng iba o hindi. Ang mahalaga'y naligayahan ang may akda at gumawa. Ngunit sa likod nito'y may lakip itong responsibilidad at katiyakan na hindi makapananakit sa damdamin ng ibang nakakikilatis. Dahil ang sining ay may taglay na pagtuturo sa anuman ang sa tingin ng isa'y tama at mabuti para sa KARAMIHAN.
Bata man o matanda, lahat ay ay taglay nitong kapangyarihan, na maghayag ng sariling saloobin ayon sa itinakda ng ating puso na siya namang itinanim ng Maykapal.
Ito'y biyaya ng Diyos kaya't atin itong pag-ingatan at huwag ipagwalang-bahala.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)